Skip to main content
Book
May Di-Mawaglit na Awit
(2021)
  • Michael M Coroza, Ateneo de Manila University
Abstract
Ito ang ikatlong aklat ng tula ng may-akda. Tinipon niya rito ang mga tulang panapanahong nasulat niya sa kabila ng gabundok na mga kaabalahang akademiko pagkaraang mailathala ng UST Publishing House ang kaniyang Dili’t Dilim (1997) at Mga Lagot na Liwanag (2002). Nakasentro ang kalipunang ito sa pinakapaboritoniyang sining bukod sa tula/pagtula; ang awit/pag-awit. Lumilingon at humahango ng inspirasyon sa mayamang tradisyong pabigkas; pinangangatawanan niya na tula ang awit; awit ang tula; mang-aawit ang makata. Kung hindi man tuwirang ibinunsod ng isang tradisyonal o klasikong kantang Filipino; at ilang banyaga na rin; ang mga tula rito ay hinugot sa mga di-mawaglit na higit sa himig at titik na awit ng búhay na sadyang walang-maliw at paulit-ulit. Sa isang banda; may tangka nang kumalas sa naging paborito niyang dilim sa unang dalawang aklat niya ng tula ang mga tula rito.Ngunit; tila mga awit sa karimlan ang mapapakinggan.
Keywords
  • Tula
Publication Date
2021
Publisher
Ateneo de Naga University Press
Citation Information
Coroza, M. M. (2021). May di-mawaglit na awit. Ateneo de Naga University Press.