Skip to main content
Article
“Taksil daw ang Tagasalin?” Isang Pag-unawa sa Pagsasalin bilang Disiplina
Filipino Faculty Publications
  • Michael M Coroza, Ateneo de Manila University
Document Type
Article
Publication Date
1-1-2016
Abstract

Sa papel na ito, inilalatag kung paano dapat pahalagahan at isapraktika ang pagsasalin bilang isang lehitimong lárang o disiplina. Sa simula, ipinakikita na walang hindi pagsasalin sa lahat ng aktibidad ng táong nagsisikap umunawa at magpaunawa sa lahat ng kaniyang ginagawa. Hahantong ang pagtalakay sa pagbibigay-diin na lampas sa pagiging lingguwistiko ang pagsasalin at mataas na kasanayang intelektuwal at karunungang pangkultura ang hinihingi nito sa sinumang naghahangad na maging tagasalin na walang pagsalang magtataksil sapagkat hindi kailanman makaiiwas sa mga pagtatakda ng paglikha o muling pagakda. Dahil muling pag-akda, isang kabalintunaan na orihinal ang salin kayâ nakahuhulagpos ang tagasalin sa paratang na taksil.

Citation Information
Coroza, M.M. (2016). Taksil daw ang Tagasalin? Isang Pag-unawa sa Pagsasalin bilang isang Disiplina. Katipunan: Ang Filipino Bilang Disiplina, 1:1-7.