Skip to main content
Article
Tunog Tagalog: Pagninilay-nilay sa Kultura ng Pakikinig at Politikal na Ekolohiya ng mga Bagay
Filipino Faculty Publications
  • Gary C Devilles, Ateneo de Manila University
Document Type
Article
Publication Date
12-15-2021
Abstract

Tinatangka ng papel na ito na magnilay sa katahimikan at tunog na nagmumula sa karanasan ng pandemya tungo sa isang artikulasyon ng politikal na ekolohiya ng mga bagay gamit ang mga salitang may kinalaman sa tunog at ilang tanaga sa Vocabulario de la Lengua Tagala nina de Noceda at de Sanlucar. Inaasahan na sa pagdalumat ng mga kahulugan ng salita, maiuwi ito sa isang pagdalumat sa karanasan ng pananahimik o pakikinig sa kalikasan at maging panimulang artikulasyon ng kultura ng pakikinig sa Maynila bago ito naging maingay na lungsod ngayon. Pagbabatayan sa papel na ito ang mga teorya ng politikal na ekolohiya ng mga bagay ni Jane Bennett at pakikinig sa kalikasan at katahimikan ni Norie Neumark.

Citation Information
Devilles, G. C. (2021). Tunog Tagalog: Pagninilay-nilay sa kultura ng pakikinig at politikal na ekolohiya ng mga bagay. Katipunan: Journal Ng Mga Pag‑aaral Sa Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Filipino, 0(8), 144–159. https://doi.org/10.13185/KATIP2021.00811