Skip to main content
Article
Salaysay, Saysay, Salukoy: Tungo sa Dalumat ng Alamat
Filipino Faculty Publications
  • Christian Jil R Benitez, Ateneo de Manila University
Document Type
Article
Publication Date
1-1-2020
Abstract

Dinadalumat sa kasalukuyan ang alamat bilang bagay na nagpapasaysay ng panahon nang may kritikal na pagsasalalay sa ekolohiya. Sa pagtalunton sa ilang pag-iisip na kanluranin hinggil sa mito, isinasalin ito bilang "alamat," na pinasasaysayan bilang masidhing sandali ng pagsasalaysay, na parating nakikitaon sa kabagayan. Itinutulak ang ekolohikong ugnayan ng alamat at sangkabagayan sa pagpapahalaga sa mga ito bilang ang nagsasalaysay at nagpapasaysay para sa isa''t isa. Sa ganang ito, nilalansag ng alamat ang mga karaniwang pag-uuri ng panahon bilang "banal" at "dahay," para sa halip magtaya sa isang pagdalumat ng panahon, sa metonimikong "kasalukuyan" na parating maalamat, at samakatwid, parating nakabaling sa lalim at materya.

Citation Information
C. Benitez, (2020), Salaysay, Saysay, Salukoy: Tungo sa Dalumat ng Alamat. The Cordillera Review: Journal of Philippine Culture and Society, 8, 59-90.